Wednesday, July 21, 2010

Estranghero

Kubyertos.Sa mga simpleng kalansing na laging magkasama.
Ang batid ng pusong ni minsa'y di sinindak ng biglaan
Ng mapaindayog sa kanyang pagkusa, sa kanyang liban
At ang dagundong ay lumakas, tumagos at nabanlaan

Hapunin man ng paghahanap sa silay ng estranghero
Na walang ganong kislap kung di mo durugin ng puro
Isang araw walang dating, kupas lang ng katulugan
Pagkat basag na naman ang pangakong pinakuan

Lampas, labis, bawal na ang kumapos
Bihira na ngayong kumabig ang mga takot na malaos
Dayuhin man muli ng isang tinging pag-ibig
Sana'y lumipas na lamang ang di pa sinisisid

Loob ma'y humihikab, araw-araw na inaantok
Sa pusong kinulang ng tubig kaya't laging sinisinok
Kung ang panahon ma'y papipitagan, at muling inaalok
Di na mapapalampas at ang kapalaluan ay ilulunok

No comments:

Post a Comment

so, whatcha say?