Monday, March 22, 2010

Huling Tangan

Binuklat ko ang mga naunang pahina, nung bano pa ang probinsyana sa bagong mundo
Ni hindi ko pa nun alam kung tunay na ba akong nakatingin sa kalulwa mo
Ni hindi ko namalayang lumipas ang mga gabing kasalo ko kayong namomroblema
Hanggang sa ngayong pabitaw na kayo, nag-alinlangan akong magsaya
Bakit yung pulang marka pa ang siyang dapat na sati’y magpasya?

Kaya ko pa namang masaktan kasama kayo a! Bakit pa magwawalay?
Hindi ba alam ng tadhanang KAYO! KAYO NA ANG HINAHANAP KO?
Paano mo ko napamahal sa napakaikling kabanatang nakalaan sa atin?
Sino bang napagkakaisahan ngayon o di ko lang talaga kayang matanggap?
Na lahat ng kabog at pitik ng Segundo ngayon kailangan ko ng malasap

Magpipira-piraso na ang samahan, sabay basag ng mga pangarap
Di ko alam kung makakatayo pa ko kung iiyak ka pa at bibitawan ako
Magtahan ka na at tangan pa kita hanggang di mo sinasabing ako ang lumayo
Salamat dahil kinailangan kong makilala kayo para makumpleto ang buhay ko
Wala na kayong magagawa e! Pinangiti niyo na ako! Habang buhay na kayong nakadikdik sa puso ko!



ito yung tula for 1ar3 as finals namin for Rizal Course na kinailangan naming mag-emote at magdeclaim sa unahan.

Photo credits ~exceptio Deviantart.com

1 comment:

  1. aw. naalala ko to. ito yung poem na maluha luha na ko. hehe

    ReplyDelete

so, whatcha say?